Login

Login

Enter your login credential below

Ba't Nahihirapan Ako?I

Ba't Nahihirapan Ako?I
by: lonely probinsyana

Kelangan bang maging masaya ako?
Pakisamahan ang mga taong,nasa paligid ko?
Kelangan bang kapag ngumiti ang isang tao
Ibig sabihin ay ,masaya nga ang taong ito.

Nahihirapan ka din bang mabuhay sa mundo?
Ipakilala sa lahat,kung sino ka sa lipunang ito?
Marahil isa itong proseso ng pagbabago
Ngunit bakit ganun?,,nahihirapan ako.

May kakaibang drama sa dibdib kong ito
Ngunit mas nangingibabaw ang saya kapag sila'y nasa paligid ko
Nahihirapan akong patunayan ang mga ninanais ko,
Ngunit mas nahihirapan akong pwersahin ang isang proseso.

Proseso bang matatawag ang pagbabago ng isang tao
Nagbabago nga ba ang tao,kung palagi lang nakangiti ito,
Hindi rin masasabi ang dahilan ng lahat ng 'toh
Gayunpaman,nais kong gawin ang kung anong nasa puso ko.

Sinasabi ng ilan,may mali sa ikinikilos ko,
Mali ang magbisyo,mali ang maging tuliro,mali ang manloko
Tama nga siguro ang nasa isip ko
Niloloko ko ang sarili ko,king ipagpapatuloy ko ito.

Nagtatalo ang isip at ang puso kong ito
"Sige pa!"yan ang sinasabi ng isip ko
"Tama na magpahinga ka na.."sabi naman nitong puso ko
Alin man sa dalawa..nahihirapan akong pumili dito.